Ronin
Nagsimula ang lahat sa panahong Heian. Sila ang mga armadong tagasuporta ng mayayamang may-ari ng lupa. Mga mandirigma. Dalubhasa sa paggamit ng kanilang mga espada na kung tawagin ay katana . Sila ang mga “naglilingkod”. Sila ang mga samurai . Kamakura Shogunate Sa kalagitnaan ng ika-12 siglo, ang kapangyarihan ng emperyo ng bansang Hapon at ang kanyang mga maharlika sa Kyoto ay unti-unting nawawala at pumupunta sa mga ulo ng mga angkan sa iba’t ibang malalaking lupain sa bansa. Sa panahong ito umangat ang kultura ng samurai . Umiral ito pagkatapos ng Digmaang Gempei kung saan ang angkan ng Taira at Minamoto ay naglaban kung kaninong angkan ipagkakaloob ang kapangyarihang mamuno sa estado ng Hapon. Nanaig ang Minamoto at dito itinatag ang Kamakura Shogunate sa Kamakura na pinamumunuan ni Minamoto Yoritomo bilang shogun . Dito itinaguyod at nagkaroon ng kahulugan ang katayuan at mga pribilehiyo ng samurai sa lipunan. Walang sinuman ang makakatawag sa ka...